Ama na iginapang ang pag-aaral ng mga anak, gumapang paakyat ng stage para magsabit ng medalya (2025)

Sa kabila ng kaniyang kapansanan, hindi tinalikuran ni tatay Junjun ang kaniyang obligasyon bilang ama na itaguyod ang pag-aaral ng dalawa niyang anak. Ang kaniyang sakripisyo, hindi nasayang.

Sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ipinakita ang video footage na makikita na pagapang na umakyat ng stage si tatay Junjun, 47-anyos, para sabitan ng medalya ang kaniyang dalawang anak.

Ang anak niyang si John Mark, nagtapos na bilang senior high school, habang nagtapos naman bilang junior high school ang isa pa niyang anak na si Janella.

Ang dalawang bata, parehong nagtapos na with honors. Kaya si tatay Junjun ang nagsabit ng medalya kay Janella, habang si John Mark, isinabit niya sa ama ang kaniyang medalya.

Sa isang maliit na bahay sa Calauag, Quezon nakatira ang mag-aama, kasama ang ina ni tatay Junjun, na si lola Vilma.

Bata pa lang nang malumpo si Junjun dahil sa polio. Dahil sa kaniyang kapansanan, na-bully siya nang pumasok at elementarya at Grade 5 lang ang natapos.

Sa murang edad, natuto na rin si tatay Junjun na magbanat ng buto.

Nang maging binata, nakilala ni Junjun at napaibig si Karina, at nagkaroon sila ng dalawang anak.

Kinalaunan, nagtrabaho si Karina sa Maynila ngunit hindi na bumalik hanggang sa mauwi na sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Mula noon, mag-isa nang itinaguyod ni tatay Junjun sina John Mark at Janella. Ang pinagkakakitaan niya ngayon, ang paggawa at pagbebenta ng kalan de uling.

Sa isang linggo, kumikita siya ng P1,500 hanggang P2,000.

Hindi naman sinayang ng magkapatid ang sakripisyo sa kanila ng kanilang ama at nag-aral silang mabuti.

Dahil wala ang kanilang ina, at may kapanansanan ang ama, ang madalas nilang kasama sa mga aktibidad sa eskuwelahan ay ang kanilang lola Vilma.

Pero sa pagkakataon ngayon, hiniling ng magkapatid na sana ay ang kanilang ama naman ang makasama nila sa stage sa kanilang pagtatapos at moving up ceremony.

Nang tawagin na si Jenella, si Junjun ang nagsabit sa anak ng medalya. Habang si John Mark, isinabit niya sa ama ang kaniyang medalya.

Ayon kay tatay Junjun, hindi alam na may medalyang natanggap ang kaniyang mga anak.

"Ang alam ko lang kukuha kami ng diploma, magpapa-picture kami sa itaas. Hindi ko alam na mayroon silang award," saad niya.

Sobrang saya raw niya nang araw na iyon dahil sinuklian ng kaniyang mga anak ang labis niyang pagmamahal sa mga ito.

Ayon sa guro na si Ginalyn Caguimbal, maraming estudyante ang walang magulang sa naturang pagtitipon. Pero si tatay Junjun, nandoon para suportahan ang mga anak sa kabila ng kaniyang kapansanan.

Ang guro na si Erwin Santos, sinabing kinontrol niya ang kaniyang emosyon nang sandaling iyon dahil baka hindi raw niya matawag ang mga susunod na pangalan.

Hindi naman itinago ni John Mark at Janella ang tampo nila sa kanilang ina na pinabayaan sila.

Sa isang mensahe, inamin ni Karina ang kaniyang pagkukulang sa mga anak. Nag-iipon daw siya ng lakas ng loob para makipag-usap at bumawi sa mga ito.

Samantala, sobrang proud naman ng magkapatid sa kanilang ama.

"Sobrang proud po ako kay Papa kasi kahit anong hirap ng dinadaanan niya ginagawan pa rin niya ng paraan para sa amin ni kuya," ayon kay Janella.

Ngayon, dobleng kayod ang kailangang gawin ni tatay Junjun dahil magkokolehiyo na si John Mark at senior HS naman si Janella.

Subalit ang hindi inaasahan ni tatay Junjun, may biyaya at tulong na darating sa kanila. Kung ano ito, alamin sa video na ito ng "KMJS." Panoorin. -- FRJ, GMA Integrated News

Ama na iginapang ang pag-aaral ng mga anak, gumapang paakyat ng stage para magsabit ng medalya (2025)
Top Articles
Latest Posts
Recommended Articles
Article information

Author: Lidia Grady

Last Updated:

Views: 6664

Rating: 4.4 / 5 (45 voted)

Reviews: 84% of readers found this page helpful

Author information

Name: Lidia Grady

Birthday: 1992-01-22

Address: Suite 493 356 Dale Fall, New Wanda, RI 52485

Phone: +29914464387516

Job: Customer Engineer

Hobby: Cryptography, Writing, Dowsing, Stand-up comedy, Calligraphy, Web surfing, Ghost hunting

Introduction: My name is Lidia Grady, I am a thankful, fine, glamorous, lucky, lively, pleasant, shiny person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.